Bad Idea

                                        Do you still remember my cousin Bondoy? Kung hindi, let me refresh your memory. Si Bondoy yung kinuwento ko sa inyo dati na pinsan kong dakilang guro na sumasideline na exotic dancer sa gabi... Ang sarap babuyin ng pagktao ni Bondoy tutal di nya to mababasa.whahahahaha!


                          Ako ang paboritong bwisitin ni insan. Kahit ano lang basta malait niya ang pagkatao ko liligaya na siya(nice to know may napapaligaya akong tao.buset!). Nung minsan nagpasama si kumag sa mall. Balak magtayo ng monkey business at sinama pa ko tumingin tingin ng mga pwedeng gamit. Sige pagbigyan....Habang palibot libot naisip ni insan tumaya sa lotto (nauuto siya sa mga ganon) nang matanaw na nasa 80+ million ang jackpot. Ayon nangarap na ng gising si insan...


                           Bondoy: Tara taya tayo lotto ang laki na ng jackpot
                                        (sinasambit habang sobra ngiti sa mukha)
                            
                           Ako: Hindi ka mananalo diyan. Uto uto ka... Sayang lang 
                                  ipangtataya mo pamasahe din yon(negatibo talaga ko.sarap mambasag ng trip ng iba.LOL)


                         Sa kabila ng matindi kong payo tumaya parin si insan. Lingid sa aking inosenteng kaalaman may binabalak pala siyang hindi kagandahan. Maya maya sinabi na niya sakin ang kanyang future plans kung sakaling mapasakamay ng gahaman kong pinsan ang jackpot


                          Bondoy: Pag nanalo ako magpoprocuce ako ng reality show
                
                          Ako: (tahimik.magandang plano kahit malabo..let's 
                                   hear more)

                          Bondoy: Ikaw ang gagawin kong bida...Ang title

                                                  "DATE MY COUSIN"


                               Wow! Anak ng tinapa! Dahil masyado akong nabigla nagdilim ang paningin ko at di ko namalayang binubugbog ko na sa gitna ng daan ang payatot kong pinsan. Umeeksena kami sa mall! Tawa parin si insan kahit anong bira ko..sira ulo talaga.. 


                           Kahit kelan talaga si Bondoy. Paboritong yurakan ang pagkatao ko. Gagawan pa talaga ng reality show! Naman.. E sure ball na may magiging jowa na ko kapalit ng tumataginting na salapi sa kabila ng aking rosalka features (exagg!maganda ko no!!!).... At dahil sa mapanlaglag na si greta at yow napatunayan niyo nang hindi kataka taka, naghuhumiyaw na SINGLE ang itsura.... Dahil ang pinoy ngayong mga panahong to kahit anong saklap ng aura basta sa ngalan ng salapi susungaban ang oppurtunity na umapgrade ang buhay. Kaya panalangin kong matindi WAG SANA MANALO SI BONDOY SA LOTTO!!!.Hindi dapat maisakatuparan ang kahindik hindik niyang plano....


                          I leave you this question.... Kung may reality show na ganon sasali ka ba?(hindi ako ang bida don't worry)... Salapi o pag-ibig?






                          Oh well!!!!!!ang sagot ko?Alam niyo na yon...LOL





8 comments:

Greta said...

syempre salapi!tska ka magbayad ng lalake diba!hahah

hoy hindi kita nilaglag..u know, para may twist naman ung kwento, ikaw ang yaya kunwari kahit ang totoo ako ang kinakatulong mo para magmukang losyang ako!well..lost ka jan neng!hahaha

2ngawzki said...

hutana!nagznungaling kp...mazki anong plwang mo hnd mo mlalazap ang allowanz mo!whahahaha

Tong-tong said...

sasali ako. kaso baka magdilim na naman paningin mo.

2ngawzki said...

@tong:ahahaha..i see.salapi salapi...

Ako si Yow said...

Salapi na nga lang din. Ang dali maglustay ng pera kesa magpakastress sa buhay pag-ibig. Haha. Joke lang. Kung hindi man tumama si Bondoy, ako ang magsisikap matataya sa loto para ibenta ka I mean para gawin kang bida sa reality show. Haha. Bidding ang style. P5 ang unang presyo. Yes naman. Haha.

Tong-tong said...

ANO kelan ang date

2ngawzki said...

@Yow:wow!sweet...gwin mo nmng 5.50!hahaha.
@tongtong: kaw keln mo trip.nye!hahaha

Blogger said...

I have just installed iStripper, so I can have the best virtual strippers on my desktop.

Post a Comment