true love?


Dahil off ni inday (ako yon) ngayon nais ko magrelax mula sa busy busyhan kong buhay.pwe! Kinaray ko kaibigan ko magmall ngayon. O diba chimay na chimay...Napagkasunduan namin na manood ng sine. Pinili namin yung eclipse. Ayaw namin paiwan. Pero hindi tungkol don kwento ko.


Hapon na kami nagkita ni friend...Nauna ko ng bahagya sa mall. Di halatang sabik! Habang hinihintay si friend nilibang ko muna sarili ko sa panlilibak ng katangian ng mga tao. You know me, pintasera queen. Nakarami na ko ng napagdiskitahan ng dumating si friend. Since maaga kami para sa next showing nagikot ikot muna kami. Hanggang sa napadpad kami sa bookstore. Habang nagiikot may nasagap ang mata ko! Isang tunay namang gwapo na parang siya lang ang anak ng Diyos. Sa kanya lang binuhos ang kgwapuhan. Pagdating sa ganon mabilis pa sa agila ang mata ko.Matalas!Lumilinaw paningin ko sa kabila ng astigmatism ko at iniindang 475 na grado ng mata.kire din e no....Kinalabit ko si friend at shinare ang greatest discovery.

AKO: girl, kagwapo ni kuya..ayun o.
FRIEND: ay oo nga..hihihihi

Talaga naman ang ganda ng view. Nasira nung lumitaw yung julalay niya. But wait!Hold on!She's not his julalay!She's the JOWA!napa WTF! ako ng matindi. Si gwapo ata ang may diprensya sa mata hindi ako. Alangya si jowa. Kung anong ginwapo nung bf siyang bagsak ng itsura ni girl.whahahahaha!Alam niyo naman ako pintasera. Alangan talaga kasi..Ang beauty ni gf e yung mga tipong sagot sa tanong na kung huling araw mo na sa mundo at hahaba lang buhay mo pag jinowa mo si (dito pasok si gf) papatulan mo ba...?Dahil desperado kang humaba buhay mo papatulan mo. Ganon kahaba ang hair niya. Kahit nga yung kahera e naintriga. Hindi din siya makapaniwala sa nakikita niya. Nagkatitigan kami ni ateng kahera na may mga ngiti sa labi. Nakaintindihan na kami. Pareho kami naiisip..May pag-asa kami.hahahaha! Mas nakakasuya pa lalo ng si kuya umaktong possessive sa parang possessed na itsura ng syota.woah! Kung makayakap parang diamante hawak kahit mukang pwet ng baso lang...Halatang patay na patay si kuya.Astig! Ibang klase ang gayuma ni girl...Gusto ko sana lumapit at tanungin ang secret niya.eeewww...chipangga! True love nga naman... SO uber blind. Sabi nga ni pogi, Love is not blind it just chooses not to see...lalim!

Para sa jowa ni mr. wafu suotan mo ng makapal na helmet ang bf mo...Baka biglang mauntog sakin mapunta!ingat ka...bwahahahahahahahaha!!!

3 comments:

Ako si Yow said...

Mapangutya ka talaga eh. Haha. Ganyan na ngayon ang trip. Para mas magstand out hitsura mo. Dapat sinabi mo dun sa lalaki.

"Alam mo mukha kang magsasaka, kasama mo kasi kalabaw mo eh." Mapangutya din pala ko. Haha.

2ngawzki said...

mana mana tsyo yow..hahahaha!bka nga gzto lng ny mgshine kya gnon pnli.now i know!hahahaha

greta said...

ungas ka talaga!ang sabi ko LOVE IS NOT BLIND..IT SEES BUT DOESN'T MIND!para may rayming baga diba!

Post a Comment