Parlor Sales Talk


Hindi ako mahilig magpaparlor...Kuntento na ko sa exotic kong beauty. May sarili kong ganda. Wala din silbi parlor at maloloss ang beauty and powers ng mga beki para aregluhin ang itsura kong sinukuan na din ni Bro. Kung hindi kinakailangan, hindi talaga ko pupunta ng parlor para humingi ng tulong sa mga beki.Mapride? Hindi din...


Kundi pa aabot sa balikat ko (ganon lang kahaba ang kaya) ang buhok ko minsan hindi pa ko pupunta ng parlor. Kundi pa ko mahirapan sa paglalakad dahil sa sakit ng in grown ba yon sa kuko? basta yon. Hindi parin ako sasangguni sa mga beki. Bakit? Kasi naman nakakapika. Hindi ka basta basta makakapagpagupit. Madaming obstacles. Magpapagupit lang ako ng simpleng gupit kailangan pang alipustahin ni mamang ang buhok ko at alukin ng anik anik na services para mapagmukang model ng shampoo buhok ko.... Bading: ang dry ng hair mo. pacellophane ka na para gumanda. Lalambot pa tapos kikintab siya (tao?)... Ako: Hindi na po. Maya maya pa Bading:Ihot oil nalang natin ganda...Para magkalife naman siya Ako: (naiirita na..hindi na). Ilang minuto pa, Bading: Relax kaya natin. Makapal kasi tsaka buhaghag...Wow!Pursigido talaga si ateng. Hindi ako tantanan. Isa pa, Bading:Try mo kaya gumamit ng (insert name ng shampoo dito)....Alukin pa niya ko ng wig baka bumigay na ko. Bawal kaya sa parlor nila ang gupit lang? Pag nagpamanicure pedicure din madami pa din muna pintas bago mo makuha ang inaasam mong serbisyo. WWWWaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!! Kung makasales talk sila mamang parang nagtitinda lng ng insurance....Motto ata "wag kang aayaw!think positive"... Imba!Kailangan pa talaga pintasan ka.hahaha! Dahil todo tanggi ko sa offers nila gaganti ata ang mga beki, bibigyan ako ng gupit na medyo sablay, minsan lalabas ako ng beauty parlor na mukang galing ng funeral parlor....tsk tsk. Dumiretso nalang sana ko sa punerarya. Hay naku! Naghangad na nga iimprove ng konti itsura lumala pa.hahaha!

VANITY IS A SIN...HAHAHAHA!

2 comments:

ako.si.yow said...

Bagong gupit ka ba? Bakit kasi napunta ka sa Gaylandia? Haha. Si Hizet man banas sa ganyan. Kung makapgpintas akala mo sila lang anak ng Diyos. Haha.

QNC said...

try mo punta saudi... no parlor at all... para walng mang iinis sau n beki... kya lng, pag nag baksyon ka, obligado mag p parlor talaga hehehe...

Post a Comment