comparing

Isang gabi pauwi na ako sa siyudad mula sa hidden world(liblib na lugar)... Sumakay ako ng jeep na isang dekada kong inabangan na bihira ata dumaan sa lugar na yon na sobrang liblib di na ata umaabot boy bawang don.


Makapangalahati na ng biyahe papalapit sa siyudad huminto ang aming jeep para magsakay ng dalawang bintaliyo. Nung una deadma lang at di ko ugali tumingin sa mga papasakay na pasahero tulad ng iba na kala mo rarampa sa runway yung sasakay kung makatingin.rude!hahaha.... Dahil katapat ko ang mga binatilyo napatingin ako ng parang makita kong malikot sila kuya. Ay mali!!! Nagsasign language pala. Nagkuwentuhan pala sila. Bingi at pipi pala yung dalawang yon. Dahil sila lang ang nakakaintindi sa usapan nila sila lang ang tumatawa habang naguusap na kala mo naglalaro lang ng jak en poy! Di ko namalayan napapabato bato pik ako sa pwesto ko.siyet! Maya maya pa natawa ulit ng silent tawa ang dalawa. Para kong nanonood ng silent movie. Napaisip ako...Ano kaya ang pinaguusapan nila?hhhmmmm! Buong biyahe tawanan sila ng tawanan. Ako kaya pinaguusapan nila? Praning?hahaha! Mafeeling...
Dahil wala lang, napaisip ako... Bata pa tayo turo na ng mga nakatatanda na ang paguusap ng ibang lengwahe sa harap ng ibang taong hindi nakakaintindi ng language mo ay medyo impolite o kabastusan. Ang tanong ko.... Ang mga pipi't bingi pag nagsign language sa harap mo hindi ba nakakabastos? Oo alam ko sasabihin niyo may kapansanan sila at sa puntong to mali ako.hahahaha! Ba't ba! just a thought lang naman. Hindi ako sa nangungutya pero.... Hindi ba kasi sila marunong mamintas? Kaw lang ba marunong mantrip? Magsasign language sila sa harap mo tapos tatawa nang bongga hindi ka ba mapapaisip kung ikaw ang pinaguusapan? Anong malay mo minumura ka na pala...hahahaha! Kaya lang dahil sa may kapansanan sila hindi mo pwede sitahin. Kahit saang angulo mali ka pag pinatulan mo sila... Pero makipaghuntahan ka sa kahit sino sa salitang alam mo sa harap ng banyaga. Patay ka! Mapagsasabihan kang bastos. Unfair! where is justice!hahahaha...

Kaya dapat matuto na din ako ng sign language para hindi ako mapraning!Hahahaha....
Walang samaan ng loob sa post na to... This post is not intended to insult any of our mute and deaf brothers and sisters. It's just a thought. By all means feel free to enlighten me or educate me further more with regards to the subject matter. salamat!

3 comments:

krn said...

try mo kaya matuto magsign language. hehe. napadaan lang po.

Ungaz said...

@karen:tumpak!yon na nga ggawin ko ng mkganti.joke!thnkz for stopping by...:)

glentot said...

Hmm sa tingin ko hindi naman masama mag-usap ng ibang lengguwahe sa harap ng iba kasi kasalanan na nila na hindi ka nila naiintindihan hahahaha pero yung magtatawanan nga parang nakakaparanoid nga. Pero kung hindi naman sila nakatingin sayo OK lang yun.

Hindi kaya tinitrip ka lang nila, hindi talaga sila pipi at pinagtitripan ka kaya sila natatawa.

Post a Comment