Pagkatapos ng aking nakakapagod na duty bilang mapagkawang gawang (volunteer lagi) nurse dumiretso ako sa mall para magpalamig(walang aircon sa bahay.poor!).... Dahil alone lang ako, ang sad. Napagtripan kong humanap ng mga kakilalang naligaw sa mall. Paikot ikot,nahilo na ko parang nilasing na hipon walang preynd na makita.
Maya maya something kikibot kibot na parang uod caught my attention.... Isang kapre na nagkatawang tao pumapartey sa gitna ng daan mag-isa. Aba teka! Family ang mukha ng gwapitong binatilyo (woohoo!galing mang-uto). Agad kong nilapitan. Eto ang pangyayari...
AKO: Yow ( blogger ng it's yow time) isdatchu?!
YOW: (pansumandaling huminto sa pagkibot) yes! hu fwoh u? (jejemon?hahaha!joke)
AKO: it's me! ungaz!
YOW: sino ungaz?!ako?bka ikaw!
AKO: Ako nga!
YOW: (dinapuan ng liwanag ni BRO) ay ikaw pala yan!wow!shet! nameet din kita
Ayon...nameet namin ang isa't isa. Habang nageexchange kami ng resume (personal facts) ni yow maya maya may umeeksenang pata (hitang ke lapad) na rumarampa sa gitna ng daan. I think i know her too...hhmmm! Sumigaw ako ng makaagaw eksenang makapigil utot na GGGGGGGRRRRRRREEEEEEEEETTTTTTTTTTTAAAAAAAAAA!!!!!!!! Huminto ang gretalicious na impernez curvaceous, voluptuous, at obviously malicious na aura. ahahahaha!
AKO: hi..!i'm ungaz
YOW: i'm Yow...
GRETA: uy kayo pala yan...nice meeting you!finally...san tayo? (Ay close kabod)
Wow! Ang galing...Sa wakas nameet ko din ang mga iniidolong kapwa "bloggers"...Sayang hindi ko kasama ang utol kong si "pogi" para mameet ang idolo at sinasambang rowl mowdel na si greta... At dahil hindi kami close na tatlo, bagamat shy ako inaya ko silang samahan ako magpagupit. Nakakahiya e!ahahahaha...Lubusin pa natin ang bonding para naman memorable kumain pa kami ng sabay sabay. Hanep! Overwhelming experience makasama sa chibugan ang mga idolo...Dahil hindi pa gaanong close, medyo nahiya pa ko ng ubusin ko ang fries ni Yow at di na siya nakatutol. At para mas masaya kailangan ng pruweba nagpikchuran din kami...
Actually hindi kami talaga magkakakilala at pers taym magkita kita personal kanina. Akalain mo! Overwhelming tong araw na to. Hindi nga kami friends sa FB e... Kahit friendster HINDI din kami friends. Si yow at greta? Non lang din nagmeet. Actually hindi nga sila magkaklase simula heyskul gang kasalukuyan. Kami ni greta?Total strangers! Hindi iisang matres ang pinanggalingan namin.... Kaming tatlo? Hindi kami pareparehong nakatira sa tricycle city. Di namin pare parehong alma mater ang paaralang "never heard". Astig! Ang magmeet ang tatlong estranghero ng di inaasahan sa hindi inaasahang lugar ay talaga namang so random and UNEXPECTED...Kami po'y nagmeet una sa blog sphere na pareparehong iisa ang mithiin. At yon ay magblog ng kung ano ano para paligayahin lamang ang kapwa(weh)!At syempre paligayahin ang sarili (ampanget ng dating)....
Eto ang ilan sa mga larawang nakunan kanina....
Exhibit #1: Yow, Greta and UNGAZ... Nang matapos ang gupitan!From manang to tomboy look!damoho...(salamat sa pagsama yow and greta)
Exhibit #2: Chibog muna....
Exhibit #3: Yow and Greta...Pamisteryoso ang Yow at syempre kailangan litaw ang palong palong pata ni greta
Bitin ang mga larawan diba? Parang yung feeling na hihintayin mo sa MMK ang itsura ng letter sender tapos blurred ang putres...hahahaha! Ganyan talaga gusto kong maramdaman niyo.
Hanggang sa muli.........
7 comments:
lahat mukang rape victim na iinerbyuhin!blurred...amp!
It was nice meeting you Ungaz. In fairness, kahit sa personal you'll see the ungazness. Haha. Wait for my post. Magsisimula pa lang ako. :)
sa inyong dlawa...yes!mraming salamat sa inyo may tantos nanaman ako sa talaan ni BRO. nagsinungaling sa isip sa salita at sa gawa!excited na si taning for me.hahaha!
bwahahahaha. at nauna ako nakapunta sa blog ni yow kaya nakita ko na ang inyong mga mala anghel na larawan. hahaha
pareho pala tayong nurse ungaz ^_^
@kikilabotz:nax nmn..nice to know na kuligs (colleagues) pala tau.hahahaha!
Aba. Sa tatlong blog ninyong napuntahan ko magkakaiba ang kwento ninyo!!!
At wala nang pakundangang pinost nila ang pics ninyo na walang blur kaya binastos nila ang effort mo sa pagblur hahaha.
@glentot: bahala na kayo kung alin paniniwalaan nyo.hahaha! oo nga nalantad na lahat.damoho kz ung dlawa...hahaha!
Post a Comment