What a Day!!!!!!!!!

Kagabi matapos ang mahabang usapan namin ni ermats napagdisiyunan na ang dakilang promdi ay tutulak ng Maynila kinabukasan. Maaga akong natulog para bukas maaga akong lilisan. eto ang kwento ng, My Long Shitty Manila Adventure!


Umaga palang mali na ang simula. Usapan namin ng kaibigan ko na magkikita sa bus terminal ng 6:30am. Kaso sablay, at atrasado at bitin ang tantiya ko ng gising. Pak! Nagkukumahog akong gumayak. Super multitasking ang promdi para umabot sa oras... Tuloy bago umalis ng bahay iniisip ko nakapagtooth brush ba ko?hahaha!eeewww.... Nagmamadali ako sumakay ng dakilang tricycle. Makalayo ng mga ilang dipa naalala ko naiwan ko ang pera ko! DEYM! Wala akong pamasahe. Palpak nanaman. Balik ako sa bahay para kunin ang pahamak na pera na lalong nagpatanghali sakin. Kaso isa pang obstacle sa buhay ko ang tricycle driver of the day na parang ipinapasyal lang ako sa bukid sa bagal.gggrrr!!!! Pagdating sa bus terminal andon na kaibigan ko nakasakay na ng bus. Excited yata! Umalis din kagad ang bus at maayos na bumiyahe. Bandang NLEX parang nananadya ang pagkakataon. Me kung anong aberya na nangyaring aksidente na muntik na naming ikamatay na wala akong malay na nangyari sa bus. Kaya naman ang maputla pa sa sukang drayber inihinto sa gilid ng highway ang bus at pinalipat kami. Susme! Badtrip si manong! Di pa talaga nakuntento ang kamalasan ko pinaulan pa habang nagaabang kami ng bus. O so great naman talaga! Maya maya dumating na din ang inaasam naming biyahe. Puno nga lang kaya standing ovation kami. Sira ang beauty ni promdi na matagal nang sira. Daan daanan kami sa pinto. May isang kuya naawa ata sa katawan ko hinagod ng todo fats niya sakin sa pgbaba niya. Ibig ata itransfer ang sobrang kolesterol nya!yuck...

Nakarating kami ng buhay sa aming hantungan. Pagdating sa lugar ng mga timawa umabroad (POEA) utod na ng dami mga applicante na magpapass ng mga papeles. Dahil nga malas na araw to siyempre inabutan kami ng lunch break sa paghihintay. Dahil tao lang kami at nagugutom tinawid namin ang mall at lumapang at gumala habang hinihintay matapos ang lunch break. After an hour balik kami sa POEA. Hayop! Hindi nabawasan ang tao. Sa pwesto na ata kumain sila ateng. Walang alisan?Damoho. Nang pagkakataon ko na magpass ng papeles excited ako! Kumpleto ko ng papers. Naisip ko wala na aberya!YES! Kaso anak ng pechay e expired pala NBI ko.Taena! Nasiphayo ako at nagmumukmok nalang sa isang sulok habang yung kaibigan ko naman ang nagpass, pinalad at lumusot. Next step na si friend na magpapaencode...Hintay kami. Dahil wala na kong gana mabuhay ng mga oras na yon, nanlait nalang ako ng mga tao sa paligid ko. Paborito ko sa mga biktima ko ang babaeng twin sister ata ni SHREK! Tama. Si shrek nga at hindi fiona. Mas kuha niya ang features ni shrek. Nakakatanggal ng lumbay ang itsura na kahit namatayan mapapaligaya niya ng bongga!hahahaha...

Matapos ang lahat nagmall nalang ulit kami. Inaliw ako ni friend at natakot atang bigla nalang ako magpatiwakal. Syempre nagshopping kami. Window shopping! Yagit e. Sa isang sikat na clothing store todo pili ako ng damit pasalubong kay pogi. Kaso eto ang dagdag kamalasan of the day, ang pila sa bayaran e sobrang haba na kala mo pilahan ng NFA rice. Badtrip! Nag-aya na ko umuwi. Bwisit na ko non. Pero tanggal ang inis ng makasalubong namin si Teddy Corpuz ng Showtime kasama ang misis at anak niya na nagshoshopping. Dahil mapride kami at ayaw pahalatang promdi tiniis naming hindi magpapicture.bakya kaya!hahaha...Sayang.

Pagod na kami ni friend at gabi na kaya naisipan naming bumalik na sa ating mahal na probinsya. Pag labas namin, medyo malakas ang ulan. Pero no choice kami at sinuong ang ulan. Eto ang pasensya na sa word ko, eto ang talaga namang nakakapunyeta ng araw ko! P****** I** talaga. Tatawid na kami sa abangan ng bus kso baha ang daan at wala nang ibang paraan para makatwid ng di sasawsaw ang pretty feet namin sa tubig.eeeewwwwwww!!!!!
Parang yagit, nilusong namin ang baha na parang ilog pasig sa itim ng tubig. Iritable na talaga ko non. Nagmamadali akong sumakay ng bus, na mukang cover lng ng FHM na wet na wet.Siyet! Kabod ko tinanggal ang shoes and socks ko sinunod ko na damit ko. Oo tama, nabold ako sa bus. walang pakialamanan. Buti may dala ko pamalit na shirt. Maayos na lagay ko sa upuan diring diri parin ako sa sitwasyon ko! Ayoko sa lahat nababasa ng tubig ulan galing kalsada kahit talsik lang. Lord naman talaga sa kamalasan araw na to.

Nang kumalma na ko sa upuan ko nakaramdam ako ng todo ginaw. Inayos ko ang aircon. Paksyet! Sira ang putares na aircon, hindi na din ako pwde lumipat ng pwesto at puno na. Kaya wala na kong nagawa kundi tiisin ng mahigit tatlong oras na paninigas sa pwesto ko dahil pag talagang mapalad biyaheng dadaan pa ng bulacan ang nasakyan namin. Ano ba nagawa ko para parusahan ng ganito?????nakakaiyak talaga. Nang mapagtanto ko na malapit na ko sa babaan, abot tenga tuwa ko! WOOOHHHOOOO!!!maiinitan na ko sa wakas. Paghinto nang bus mabilis kong kinaladkad katawan kong sing tigas ng bangkay ni marcos pababa. Hallelujah!!!!!!!! Ang sarap ng init. Non ko lang naappreciate ang ambiance ng tahanan ni lucifer.

Nakarating naman ang promdi ng buhay at matiwasay sa bahay bagamat bahagyang manhid parin sa lamig ng biyahe. Peste talagang araw to!!Binuhos lahat ng kamalasan. Life's a bitch! Sa kabila ng lahat ng mali at kapalpakan tatapusin ko ang araw na to ng tama sa pamamagitan ng pagtulog na mala comatose. Katok sa kahoy! Baka macoma nga ako. MALAS!!!!!

1 comments:

YOW said...

Haha. Di pa ko nagbabasa ng blog mo at nagulat ako. Parehas tayo ng post? Shet mamasang shet! Haha. Infairness, nakakatawa adbentyur mo. Naglustay ka ng pera para sa bonggang wala. Haha. CONGRASHOLESHONS.

Post a Comment