Langgam


Bukod sa mga buset na clown isa sa mga kinaiiritahan ko talaga ang mga dakilang langgam....Ano ba importansya nila sa mundo?Tuwing makakasalamuha ko ang mga langgam hindi naman tuwa ang dinudulot nila sa damdamin ko...Parang bata na cute pag nakita mong may sinira hindi na cute sa paningin mo.Giyera na to!


Sino man ang nagsabi ng "masipag ang mga langgam" na proud na proud pa kala mong anak na nakakuha ng medal e dapat nang mamatay! Hindi masipag ang langgam..Well for me not in a good way. Masipag mamerwisyo oo.....Masipag?Sino ba nagpakahirap na bumili ng pagkain na unti unti nilang tinatangay?sweldo ba nila pinambili non?hindi ata.Yung damit na kinagat nila at unti unting ginawang see through kanila ba galing oambili?hindi din...In short asa lang din sa tao ang mga yan.Parasitiko!Tamad..tulad ko!hahahaha!!!!Magnanakaw yang mga langgam na yan.Hindi mapagkakatiwalaan...Titirahin ka patalikod. Malingat ka lang inunahan ka na sa pagkain mo at iiwan kang kumakalam ang sikmura.Dinaig ka pa ng mga hinayupak.Alagad ng dilim yan mga langgam na yan...Wala pang mga utang na loob.Nanakawan ka na sila pa galit at walang awa kang kakagatin.May attitude problem!tsk tsk...Kaya minsan pinapanalangin kong mamatay nalang silang lahat at tutal wala silang silbi sa buhay ko. Minsang nainis kami ni pogi tiniris naming parang kuto isa isa ang mga langgam..Ant massacre...woohoo!Nilalaglag pa namin sa mainit na tubig. Malamang pagnakita kami ni kuya kim atienza madidismaya siya samin. Pwe! Hindi ko naman pwede singilin mga langgam sa mga sinira nila diba? Mababalik pa ba pagkaing ninakaw nila na pinagkahirapan kong lutuin at pinagpaguran ng butihin kong ina?tsk tsk tsk...Kaya gantihan kami. Unahan kami magpatayan....Huwag itolerate ang attitude ng mga langgam. Parang sa tao lang na habang pinagbibigyan umaabuso at hindi natututo.O may moral lesson pa...

Ge maya na ulit...At may impaktong rally nanaman sa harap ko mga langgam!ggrrrr

5 comments:

mukay said...

ang yayabang nila, hindi naman inaano nangangagat.. kung pwede lang kakagatin ko din sila..sa pwet..!

Yow said...

respeto sa kauri. Bakit ginaganyan mo sila? Haha. Di ka marunong lumingon sa pinanggalingan. Tsk.

Anonymous said...

lahat ng ginawa ni god may importansya,...

Anonymous said...

tomo :)

Anonymous said...

yah....ur ryt....tama ka dyan....lahat ng create ni GOD may pakinabang..

Post a Comment